Wednesday, August 7, 2013

Post-Cinemalaya Entry

Every year, our unit (formerly DTE unit, now called Dreamscape) has an annual Cinemalaya holiday kung saan lahat ng Creative and Production team ay pupunta ng CCP para manood ng mga Cinemalaya films.

Sa unang araw lang ako nakasama dahil I had to write on the second day pero nakapag-marathon naman ako that weekend kaya marami din akong napanood.

On the first day, the team had to watch Debosyon, Porno, David F and Sana Dati. Dahil nalate ako nagising, hindi ako nakasama sa Debosyon. Humabol lang ako sa Porno. Napakapangit na pelikula.

PORNO
Shocking opening sequence. Bordering on porn Mas nakakalokang OBB. Actual penetration. Five minutes into the film, narealize ko that the movie really sticks to its title -- porn talaga. Pero kalagitnaan ng pelikula, nagsisimula na akong mabuwiset. My friend and fellow writer D was my seatmate and she was saying "Para tanggapin ito ni Angel (Aquino), siguro naman maganda ito" and we were waiting for that punch -- the redeeming element sa dulo. Pero hanggang mag Closing Credit na, wala. Lumabas kaming tulala na parang... We wasted time watching that shit.

Trilogy siya. May kanya-kanyang character, may kanya-kanyang kuwento. Supposedly porn ang unifying element ng tatlong kuwentong ito. I texted Direk J after watching the movie. I was ranting. Napakapangit, I told him. He laughed at me and said Cutting edge daw kasi ung movie.

Hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ang pelikula, buwiset na buwiset pa rin ako. Oo nga at libre naman yung ticket. Pero those were one and a half hour of my life that I could never take back. I've seen films na bordering on porn pero may kuwento. Like Joey Reyes' Liveshow, Gustong-gusto ko iyun. Or iyong Sex and Lucia. Or The Lover and Lust, Caution. Pero itong Porno -- napakapanget! 

DAVID F
Parang trilogy din ito kasi three era ang pinakita pero mas malinaw ang kuwento at may isang taong naglilink sa three stories. Pero hindi kasi ako mahilig sa period film at Blue Moon lang ang local period movie na nagustuhan ko talaga. So when Direk Manny Palo asked me if I liked his film, may disclaimer agad ako na "direk, hindi kasi ako mahilig sa period film... inaantok ako."

But I loved the locations, and the 1940s era was interesting. And there was this one scene (of Anita Linda) na talagang kinilabutan ako. Pero masyadong madaldal ung 1900 story. And may parts na dragging. Pero kung mahilig ka sa period film, maganda ang visuals nito. At nagustuhan naman siya ng ibang kasama ko. Hindi lang talaga ako mahilig sa period film. :)

SANA DATI
I haven't seen any of Jerrold Tarog's past films kaya hindi ko alam what to expect sa Sana Dati. Pero napakaganda ng pelikulang ito, for me. Non-linear narrative. Flawed characters. Unexpected plots. Bittersweet. Ang daming bale. Siguro kaya ko siya nagustuhan kasi unpredictable ang mga nangyayari. Iyong akala mo dito pupunta ang isang character, sa kabila pala ang punta. While watching, I was sandwiched between my headwriter and the big boss. Sa dulo ng pelikula, hindi ko maiwasang maiyak just when the lights turned on and the big boss turned to me and said, "ang ganda no?" Nakakahiya kasi I was wiping my tears and nodded "Yes, po, ang ganda-ganda."

I was raving about the movie and I had to encourage Claring to watch it. She did and she liked it, as well. But then may friend ako na nag-walk out sa pelikula. Buwiset na busiwet naman siya. Different strokes for different folks talaga :)

PUROK 7

When I was done writing my script, tumakbo ako sa Trinoma para mahabol ang pelikulang ito. Teaser pa lang sa CCP, gusto ko na panoorin. And then I heard good reviews about this. Kaya naintriga ako. Clar and I watched it. For me this year, ito ang pinaka-favorite ko. Napakasimple. Pero napakaganda,.Hindi kailangan magpaka-edgy o magpaka-cool. Hindi siya pa-profound. Nagkuwento lang ang pelikula. Walang sigawan. Walang kabastusan. Walang karumihan. Pero lalabas ka ng sinehan ng affected. Simpleng tween lovestory na may hagupit (hindi lang kurot) sa dulo.

Sana lang may commercial run ito. Sayang kung wala dahil isa ito sa pinakamagandang pelikula na napanood ko...

EKSTRA
Na-enjoy ko ang pelikulang ito. Ilang beses na rin kasi akong nakakapunta sa mga location at nakikita ko ang buhay ng mga "Talents" or Extra sa taping. Kaya tawang-tawa at awang-awa ako sa mga talent. Familiar scenarios. Familiar people. Sobrang naaliw ako sa movie. At ang galing ni ate Vi. Hindi si Vilma ang nakita ko kundi si Loida, ang dakilang Ekstra.

Magkakaroon ng commercial release ang pelikula sa August 14. Hope I can watch it agan.

TRANSIT
Maganda ang story-telling device. Magagaling ang mga artista. Pero nabagalan ako. May mga elements na puwedeng wala na. Iyong plot ni Mercedes Cabral, puwedeng tanggalin na. Pero ito ang nanalong Best Film sa New Breed. At Audience Choice. Ang dami din nagre-rave. They must have seen something I didn't see. Kasi hindi ko nagustuhan ang pelikulang ito.

BABAGWA
Ang dumi. Ang gritty. Ang realistic. Ang gripping. This is my top three (next to Purok 7 and Sana Dati). Ang husay ni Alex Medina. At nakaka-proud ang direktor na si Jason Laxamana. I told him, noong nakilala ko siya 10 years ago, he was a shy totoy from peyups.com. Ngayon direktor na siya ng isang napakagandang pelikula.

Sayang nawalan na ako ng oras. I wanted to watch Liars, Nueve, Instant Mommy and Quick Change sana. So many good Cinemalaya films, so little time. Hopefully next year, mas marami akong mapanood.

2 comments:

kalansaycollector said...

sad hindi ko napanood yung sana dati at purok syete dahil busy din sa work. ekstra at debosyon lang napanood ko.

ang pangit ng debosyon. bwisit. haha

noreen said...

kalansay, nabasa ko nga sa blog mo. :) hope they have commercial run for sana dati. ung purok 7, try mo kung mahahabol mo sa UP. heartwarming siya. must-see.