Thursday, August 15, 2013

puwede na ba magtago sa kahihiyan?

during the creative meeting of our new show, the director asked something about our character. sinulat ko kasi na blogger iyong bida. nagba-blog tungkol sa buhay niya. the director only knows yung mga blogger na sikat at big time. so inexplain ko na may mga blogs na personal.

the creative head said, "direk, meron talaga. noreen, pakita mo ang blog mo."

hiyang-hiya ako. iniiba ko ang usapan. then the creative head recounted how he once chanced upon my blog and read my entries. ang nakakahiya pa, iyong tungkol sa kasentihan ko about the past love ang nabasa niya.

they coerced me to show them my blog. wala na ako nagawa. the production manager, the director, and my headwriter saw it. i had to explain that i've been blogging for 10 years. wala pa ako sa abs. at noong nagsimula akong mag-blog, walang nakakakilala sa akin. pero dahil araw-araw ako mag blog noon at may mga nagbabasa naman, nasubaybayan na nila ang buhay ko. ang journey ko to become a tv writer. ang mga lovelife ko na nagsimula at natapos.

at habang nagme-meeting, one of them was reading my blog sa iphone niya. now even my bosses know about my blog. i just wish they are all too busy with work, or that they are not really interested with my life.

sabagay, uninteresting naman talaga ang blog ko ngayon. aside from my upcoming book, and my new show, wala na ako ibang sinusulat dito. muntik ko na nga itigil ang blog na ito early this year eh. buti na lang hindi ko ginawa. kasi kung tinigil ko iyun, wala na akong venue para mag-promote ng libro ko.

parang kayo pero hindi. sa september na po :)

3 comments:

kalansaycollector said...

OMG! hahaha

ihcahieh said...

Alam mo, your blog is one of the most personal ones that I've encountered, at dun nanggagaling yung charm niya, so wag ka mahiya kasi worth reading talaga ang mga posts mo. You somehow represent the typical blogger, so I think your blog was in fact the best example for your brainstorming session. :)

KULAPITOT said...

My boss asked kong ano ang blog ko pero secret tlga di pedeng sabhin haha