Tuesday, September 17, 2013

Huwag mag-assume

A few months ago, guy 1 from my past asked me, "Kasama ba ako sa book mo?" And I said "Hindi." But really, I lied. At malalaman niya yun kapag nabasa niya. Malinaw eh. Siya talaga yun kaya ko rin nilagay ang disclaimer na "hanggat di mo nababasa ang pangalan mo, huwag mag-assume."

Recently, guy 2 from not so distant past asked, "Nandiyan ba ako sa book mo?" And I immediately said "Wala." Natahimik siya. Parang na-hurt. So I asked, "Gusto mo ba ilagay kita? Puwede pa kitang isama sa book 3." Totoo naman eh. His episode in my life is makulay enough to be included in my book. But he said, "Huwag. Mahirap na."

Pero kapag nakulangan ako ng material, isasama ko sya. Pero di ko isusulat sa first person na writing. Para isipin ng mga tao, hindi akin yun.

Ngayon na unti-unting nag sink in sa akin. Makakalkal ang nakaraan. May mga makakabasa. May mga magtatanong. At iisa lang ang sasabihin ko... Ang mga kuwentong nasa libro ay parang totoo, pero hindi. Kaya huwag mag-assume. Huwag mang-angkin ng kuwento. Huwag mag-feeling.

***

A couple of months ago I was talking to an old friend. He was my crush 15 years ago and he knew it. Noong nagpapaalam na ako at matutulog na ako, he said "Sorry... For hurting you."

Natalakan ko sya ng "Huwag ka nga mag-feeling, hindi mo naman ako nasaktan!!!"

Crush nga lang eh. Duh.

1 comment:

Rix said...

lolz. funny si crush..