Monday, September 23, 2013

Minsan talaga, dinadala ka ni Lord sa ibang daan...

May plano kami last year ni Alessandra. Gagawa kami ng journal/planner. Parang Belle de Jour. Pero Tagalog. Or TagLish. Hindi lahat nakakaalam na creative at poetic siya. Kaya swak kami sa journal/planner na ito... Para malabas niya iyong artistic side niya. At ako naman, gusto ko lang ma-publish. Kahit hindi naman talaga libro ang planner.

Pero minsan, dinadala tayo ni Lord sa ibang daan.

Dahil pareho kaming busy, bihira na kami magkita. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa plano namin. At heto, last quarter na ng taon... Too late for that.

Pero may libro na ako. At si Alex, naglabas ng album kung saan napakita niya ang creative side niya. Panay pa rin ang paint niya. Panay ang gawa ng music.

In a way, pareho namin nakuha ang gusto namin -- hindi nga lang sa paraan na plinano namin.

But isn't that the beauty of  (or the trouble with) life? Things happen not the way you planned it... But the way it's supposed to be.

6 comments:

kalansaycollector said...

congrats sa booook! :)

noreen said...

thank you, Kalansay :)

jobologist said...

anong pamagat?tungkol san? heheheh

Anonymous said...

true! segue lng ms. noreen, 2 national bookstore ng napupuntahan ko pero la sila ng book mo :(. ---iamitzig

tinrae said...

Sana meron din dto nian sa qatar :(

almost_anAngel.blogspot.com said...

hi ate noreen :)
Minsan nyo na po na-like ang pinost ko sa Ig! :)
Nai-tag ko kasi kayo habang binabasa ko ang libro mo. At ngayon, tulad ng ginagawa mo, naisipan ko na rin gumawa ng blog. Nakaka-inspire lahat ng ginagawa mo. Sana mag-succeed din po ako :) Naniniwala na talaga ako na palaging magpapadala si Lord ng mga taong makakasama mo o magi-inspire sa na gawin ang gusto mo. Salamat po ate Noreen :)