Wednesday, September 11, 2013

No Longer An ALMOST

Finally! Hindi lang siya ALMOST. Nagkaroon na ng completion. Today, Parang Kayo Pero Hindi was finally launched. Isa na itong ganap na libro!


Nahawakan at nakita ko lang siya noong nasa Mellow947 radio station na ako to promote the book. As in minutes before ako naisalang, doon ko lang nakita. Kakagaling lang daw sa Printing. Mainit-init pa!

At habang hinihintay ko na ma-interview ako nina DJ Marco and DJ Tracy, lumapit sa akin si DJ Marco para magpapirma. Nagulat ako. Sabi ko, first copy iyun na na-sign-nan ko. Hindi ako ready. Hindi ko alam ano isusulat ko...



"You never forget your first," sabi ko. Kailangan ko picture-an ang first ever "autograph" ko sa libro. For posterity. Nagpa-picture din sa akin si DJ Marco.


Sobrang kabado ako the night before the interview. Sabi ko kasi, numero uno akong laitera sa mga naririnig ko sa radyo. Pinupuna ko wrong grammar at wrong pronunciation. Paano kung makarma ako at ako ang magkamali?

Pero surprisingly, it was a fun interview. Wala naman yata akong nasabing mali. At dahil nag-enjoy ako sa interview, kailangan talaga my selfie pic sa booth.






Off the air, DJ Marco asked me, "So, you're like the Taylor Swift of the Philippines?" I answered, "Adele!" At natawa na silang lahat. May mga sinabi naman ako on air na nagpatawa din sila. Solb na ako doon. Masaya na ako doon.

The DJ asked hindi daw ba ako natatakot na may magreklamo dahil naisulat ko sila sa libro ko? I said aking kuwento iyun, my experiences. If they want me to write something good about them, they should have treated me well.

Oo... napaka-personal ng libro. Based on personal experiences. Pero may disclaimer ako. Hanggat hindi mo nababasa ang pangalan mo, huwag kang mag-assume!

Before I left, DJ Tracy wanted to take a group shot... So ayan ako with the two DJs, and Anvil's Marketing Assistant, Aia.




Tapos na ang radio interview. Makakahinga na ako. Now, I'm back to writing my script. My headwriter said my boss was raving about the script I wrote. Kailangan ma-sustain ko iyun.

Please grab a copy of Parang Kayo Pero Hindi. It's available in selected National Bookstore in Metro Manila. At siyempre, sa Manila International Book Fair sa MOA.

See you sa Sunday! :) 

4 comments:

Anonymous said...

classic quote... KEBS! AY SORRY!

kung sino ang gustong makarinig ng recording, email me at anonymous@choslang.com :p

kalansaycollector said...

congrats po!!! :)))))

jobologist said...

ito pala yun...congrats!!!! galeng galeng naman

Mico dela Cruz said...

Hi! Where can I buy your book? I can't find it anywhere :( Been to several national bookstores already :(