Tuesday, November 19, 2013

The One That Got Away

Ito ang isa sa pinaka-maraming nakarelate sa libro... The one that got away. May mga naiyak. May mga nalungkot. May naalala ang kani-kanilang "the one that got away."

Sa IG, FB at Twitter, ito rin ang may pinakamaraming posts. May mga nagko-quote. May mga naka-highlight. May mga ginawang status at tweet ang "Hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan."

At sa ginawa kong movie storyline, ito ang pinakaborito ko. Ang medyo naiyak ako habang sinusulat. Ang pinaka naka-relate din ako.

Siguro kasi ito din ang recent na nangyari sa akin. The one who got away. The one who returned. And eventually, the one who left again.

And the one who will never be back in my life. Sana mapanindigan ko. Sana makaya ko. Sana sa susunod na magparamdam ulit siya, kayanin kong dedmahin siya. At kalimutan.

"Huwag mong pagsisihan kung nasarapan ka"
"Paano kung hindi ako nasarapan?"
"Katangahan na iyun"

- an excerpt sa Chapter 5 ng libro.

Last year was kinda cinematic. Puwedeng plot ng pelikula. Kaya puwedeng palampasin ang pagkakamali. But this year... iyun ang rurok ng katangahan. Ng kagagahan.

Pero puwedeng magamit sa susunod na libro.

***

Thank you sa mga bumili ng Parang Kayo Pero Hindi. Sa mga nagpromote. Sa mga nag post sa IG at Twitter.

September lumabas ang libro. October, napasama na sa Bestsellers ng National Bookstore.

Marami lang talaga ang naka-relate. Marami ang pinagdaanan ang ganitong sitwasyon. Maraming may ka-ganyan ngayon. Maraming nahihirapan at miserable dahil sa malabong set up na ito.

At kung isa ka man doon, hintay ka lang, malalampasan mo rin iyan, at magiging okay din ang lahat.

2 comments:

Mabel said...

Nabilhan na ako ng sister ko. Ipapadala nya sa akin dito sa Virginia. Yehey!

Anonymous said...

been an avid fan since peyups pa. congrats on the book.

saw you on mars, heard your speaking voice for the first time. not what i thought your voice would be- in a good way though.