Tuesday, December 17, 2013

Three



Hindi ako DJ. Hindi ako artista o celebrity. Simpleng blogger lang at TV writer na nag-ambisyon magkaroon ng sariling libro... At dalawang buwan na nasa top 10 best-seller books ang Parang Kayo Pero Hindi.

My Publisher also told me that the book is going on its third printing, three months after its initial launch in September.

Hindi ko inasahan ito. Ang takot ko pa nga noon, magiging flop ang libro. Lalaitin na napaka-simple lang naman, bakit naging libro pa. Sasabihin na walang bago sa mga sinusulat ko.

I am still overwhelmed sa naging reception ng mga tao. Kapag may nagtu-tweet sa akin o nagleleave ng comment sa Instagram to say na out of stock na sa mga pinupuntahan nilang bookstores, parang gusto ko maiyak sa sobrang tuwa at gratitude.

"Akalain mo, no? Yung mga sinusulat mo tungkol sa buhay mo, naging best-seller," sabi ni B, isang friend ko sa ABS. She is even considering selling her copy. "First edition ito, tapos may pirma mo pa... mahal siguro ito."

***
 
Last month, nag-guest ako sa isang talk show sa ibang network. First time ko. Kebs na kung anlaki-laki ko sa screen. Ang importante, natuwa naman mga tao sa sinabi ko. At binanggit ko iyong famous line na pinauso ko noong 2006. "Para kang Sisig, you are bad for my heart..."

My best friend had it recorded. My friends in the network watched and supported me, even posted about it in social media. Some also quoted the lines in my interview.



***

I was talking to Alex on the phone the other night.

"This is a good year for you, no?" She said. She mentioned 2013 is a good year for all her friends.

Sabi ko, kung hindi lang dahil sa book at sa pagbili ko ng bahay, this isn't a good year for me.

"Anong LANG? Malaking bagay yun ha. Libro! Saka hindi ba, this year iyong closure mo sa the one that got away mo?" Talak niya sa akin.

"This year? Last year yun!"

"Hindi ba nagkita kayo ulit this year. At sabi mo yun na talaga ang closure niyo?!"

Yes, that was it. Closure. Akala ko nga last year yung closure. Nadugtungan this year eh. Pero this year, yun na talaga yun.

***

They say good things come in three.

Bahay.
Book.
At habang nag-iisip ako ano yung pangatlong B, may humabol bago matapos ang taon.

Baby. Yung pelikulang ginagawa ko, yun ang baby ko. Pinagbubuntis ko pa lang siya ngayon. Hindi pa lumalabas. Baka next year na yun. Or 2015. 

Yes, this is really a good year. One of the best. May mga frustrations and disappointments. But the great things that happened to me outweighed the bad things. Sobra-sobra pa.


And I am grateful. Parang bumawi ang tadhana sa akin this year. Binuhos na lahat ng blessings. At parang sinasabi, "O, ayan, sa dami ng magagandang nangyari sayo this year... huwag ka na umasa ng tunay at wagas na pag-ibig."

Oh, well...















1 comment:

kalansaycollector said...

awww bongga! shet ako na lang yata ang wala pa ng book mo! have to buy naaaa! :)