Friday, January 3, 2014

Thirteen

Thirteen Highlights of my 2013
(Listed Chronologically)



1. Boracay. 

After Aryana's Thanksgiving party in January, diretso kami sa airport for Boracay trip. Libre! I had so much fun. Nagpakalasing and danced the night away. Tumalon mula sa cliff. May nakilalang Kano na construction worker. Masayang bonding with my Aryana family. The Boracay adventure was definitely one of the best vacations I ever had.


2. Baguio. Manaoag. And Beaches.


Dalawang beses nag Baguio this year. First was in February with Aryana family na dumaan muna ng Manaoag. First time ko sa Manaoag. Siguro yun ang dahilan bakit naging maganda ang taon na ito for me. The second time na nag Baguio ako was in April. With my friends from the network naman.

Aside from Boracay, tatlong beses pa nag beach. Pearl Farm in March. Chemas by the Sea in August. And Isla Reta in December.


3. Healthy Living. 

In February, I tried detox for the first time. Yung detox diet ng Sexy Chef. May solid food pa rin. May rice. Pero walang animal products. Walang preservatives. Walang sugar!!!

In March, I tried yoga for the first time. Nag-enjoy naman ako. Naka isang buwan akong lumiliyad-liyad at tumutuwad-tuwad. Masaya. Nakakawala ng stress. Pero noong tumigil na mga kaibigan ko mag yoga, natigil na rin ako.

December naman nag try akong mag juice cleanse. Three days na puro juice lang! Walang solid food. Walang ibang beverages. Juices lang. Nakaya ko naman. In three days, I lost 5 pounds. Parang hinanda ko lang ang katawan ko para sa mangyayaring binge sa Christmas break.

4.  Anvil.

While I was in Davao last March, nagsubmit ako ng 14 articles sa Anvil. Nagbakasakali. Sobrang stressed ng araw na yun. Holy Wednesday na kasi. Last day ng Anvil sa pagtanggap ng manuscript. Kailangan magpadala ng hard copy sa kanila. Ayokong maki-print sa ate ko dahil ayokong malaman niya ang tungkol dito. Iyong computer shop sa kanto ng subdivision namin, sira ang printer. Iyong fried kong may opisina sa kanto ng subdivision namin, nag out of town. Isang oras na lang, magsasara na ang LBC. Nagtanong ako sa mga kaibigan kong nakatira nearby kung may printer sila -- either walang ink ang printer or sira ang printer. Buti sinuwerteng nakahanap ako. At bago magsara ang LBC, nakapag-mail ako sa Anvil. Hopeful ako, but I wasn't expecting. Ang sinabi ko na lang, at least, sinubukan ko...


5. Mutual Funds.

Maganda ang pasok ng pera sa simula ng 2013 ko. Salamat sa Aryana at May Isang Pangarap. Kaya noong April, nag-decide akong mag-invest sa Mutual Funds. At doon ako sa pinakamataas ang risk na hindi kumita. Pero malaki ang interest kapag kumita. Lakas maka-adult.

6. Condo.


April din noong nag-decide akong bumili ng condo. Kasi iyong condo na tinitirhan ko ng three years, ibebenta na ang unit niya. Binebenta sa akin ng 2M... cash! Nakakaloka. Wala akong 2M! Eh may magandang offer na condo -- Rent to Own! Pero bago ako magdecide, humingi muna ako ng signs. Eh binigay ang sign. Kaya game. Pikit-mata. Bahala na. Nagbayad ng downpayment and two months after, nag-move in na.


7. Parang Kayo Pero Hindi. 

May 21. Nakatanggap ako ng email from Anvil. They're going to publish my book! Nakipag-meeting with Anvil. Nagkapirmahan ng kontrata. At ang ipa-publish nila, hindi lang isa... dalawa! Ang May 21 na yata ang pinakamasayang araw ng 2013 ko


8. Book launching.

Na-launch ang libro ng September 11 sa Manila International Book fair. Nagkaroon ako ng radio interview to promote the book. Nagkaroon ako ng book launching and book signing. Friends supported me and went all the way to MOA to share the experience with me, kahit bumabagyo.


9. The One That Got Away. 

Akala ko nagkaroon na kami ng closure last 2012. Hindi pa pala. Bumalik pa siya. At nagulo na naman ang buhay ko.


10. Star Cinema.

A few weeks after ma-launch ang PKPH, kinontak ako ng Star Cinema. Gusto nilang gawing pelikula. Nagkapirmahan. Nagkabayaran. At gumawa na ako ng Storyline. Another dream come true ito!


11. Carl.

Syempre kasama si Carl sa highlight ng taon ko... Noong lumabas ang PKPH, pinadalhan ko siya ng book. Dahil gaya nga ng nilagay ko sa Afterword ng book, dahil sa kanya kaya ako nahasa na maging writer.



12. Best-seller.


One month after ma-release ang book, nakasama ito sa Top 10 best-seller books ng National Bookstore. As of this writing, nakatatlong printing na ang book. Ang dami lang talaga sigurong nakarelate sa pseudo relationshio.


13. Mirabella.


Dating Cofradia. Naging Mirabella. At malapit na siya ipalabas. Enjoy ako isulat. Kasi tungkol sa high school na naman. May hugot na naman.


They say malas daw ang number 13. Pero for me, sinuwerte ako this year. I just hope suwertehin pa rin ako sa 2014. Fourteen is my favorite number. I just hope 2014 will still be my year.


Happy New Year, dear readers!


4 comments:

kalansaycollector said...

deserve na deserve mo yan! :)

aww someday magkakabook din ako!!! :)

Anonymous said...

Go kalansay! Suportahan kita sa dream mo. Good luck at balitaan mo ko ha :)

- noringai na tinamad mag log in dahil ibang google account naka sign in :)

Lyn Lyn said...

Ayos!!! =))) Sooooo happy for you, Ate Noreen! Cheers to a more blessed and fruitful 2014!

Ayesha Ayanna said...

Hi po...i'm from cagayan de oro city, northern mindanao...nabasa ko po yung book nyo..."parang kayo pero hindi..bnili ko sa national bookstore kasi nakakarelate sa present style of relationship ko with the guy....hahaiz....ang hirap po talaga..nakakatulong po yung book nyo....salamat po sa book mo..:)..keep writing..and continue to inspire..:))))!!