Friday, January 31, 2014

The End

Lahat ng bagay may hangganan. Kahit gaano katagal, kahit gaano kalalim ang inyong pinagsamahan, minsan kailangan mo na talaga magpaalam. Siguro napagod ka na. O nagsawa. O narealize mo na wala na dahilan para ituloy pa. O siguro, oras na talaga para tumalikod at mag-move on.

A year ago, I wrote this in my blog.

Chinese New Year kasi noon. I thought of starting on a clean slate by deleting my blog. After more than 10 years of blogging, sabi ko, nakakasawa na.

And then on Valentine's Day last year, I had an epiphany

Sabi ko nga sa blog entry ko, "I learned that as a storyteller, we should give our audience a satisfactory ending. It doesn't have to be a happy ending... just fulfilling. Iyong kapag umabot na sa tinakda mo na katapusan, sasabihin ng audience na "tama lang na natapos na..." or "oo, hanggang doon na lang talaga."


And last year, I felt hindi pa yun ang satisfactory ending of my blogging life.


But this year, I think it's time.  Feeling ko, ang pagka-publish ng libro ko ang tamang ending sa pagba-blog ko.

 Thank you, dear readers, for being with me. Mula noong mga panahon na wala pang nakakaalam kung sino si Noringai. Iyong wala pa ako sa ABS-CBN at wala pa akong lovelife na kinukuwento. Salamat sa pagsama sa akin sa journey ko with C, with SB, with Bagets, with Crispy Pata guy. Salamat sa pagsubaybay sa mga kasentihan at kabaliwan ko. Salamat sa pag-indulge sa akin sa mga mabababaw kong kuwento.

I started blogging in 2001, sa Opendiary.com. Tapos 2003 to 2007, sa blogcity. Nag multiply sandali tapos dito na sa blogspot.

The best years of my life were chronicled sa blogcity. Doon ako nahasa magsulat ng kasentihan, doon ako natutong magkuwento, doon ako natanggap sa ABS, at sige na nga, andoon yung mga SB episodes At aminin naman natin, andaming naitulong sa akin ng mga karanasan ko with SB. Hindi lang sa career ko, kundi pati sa personal buhay ko.


Sinamahan niyo ako noong torn ako kung aalis ba ako sa corporate job ko at sinuportahan niyo ako noong nag-risk ako na magresign para sumubok sa ABS. Dinamayan niyo ako sa pagkamatay ng Tatay ko, at pinagdasal niyo ako noong na-aneurysm ako. Nakikibalita kayo sa mga bagong shows ko, at nakisaya kayo noong finally na-publish yung libro ko.


Kapag nagba-blog ako na masaya, domodoble yong saya ko dahil sa inyo. At kapag brokenhearted ako o depressed o may pinagdadaanan, nababawasan kapag naisusulat ko sa blog ko.


Blogging has helped me grow, not just as a writer, but as a person.


At kahit na part of me still holds on and wants to continue blogging, a bigger part of me is saying, it's time to say goodbye.


Nakakaiyak. Nakakalungkot. Para akong nakikipag-hiwalay sa isang karelasyon. 13 years. Pero kailangan ko na mag-move on.



You can still follow me sa Twitter and/or Instagram: @noringai. May FB page din ang Parang Kayo Pero Hindi. Puwede niyo din ako i-follow sa FB since some of my posts are open to the public.

Thank you, guys. Kung Hei Fat Choi! :)